Napigilan ang tangkang pagnanakaw ng dalawang kawatan sa Bacoor City, Cavite.
Ito ay matapos magsumbong ang isang jeepney driver na nagkataon namang pumarada sa convenience store.
Ayon sa ulat, kita sa CCTV na pumarada at pumwesto ang mga suspek sa harap ng convinience store na kanilang tatargeten.
Nakiramdam muna sila sa paligid at tinangka nang buksan ng isa sa suspek ang roll up door ng tindahan gamit ang bolt cutter.
Dito na nakapasok ang mga kawatan at lumabas na bitbit na ang isang money transfer machine at kanilang binuksan.
Pero, napansin sila ng pumarada na nga ang jeepney driver sa tapat ng convenience store at agad na tumawag sa kumpare nitong tanod.
Agad namang rumesponde ang tanod na si Rio Vasquez kahit naka off-duty.
Binatuta nya ang mga suspek na agad ring nakatakas sakay ang motorsiklo.
Tinangka nilang habulin ang mga suspek pero napaatras sila ng bumunot ang mga ito ng baril.
Mabuti na lamang at walang natangay sa laman ng money transfer machine na aabot sa P80,000.―sa panulat ni Rex Espiritu