Ibinunyag ng AFP o Armed Forces of the Philippines na may nilulutong pananabotahe umano ang iba’t ibang lawless elements sa bansa laban sa administrasyong Duterte.
Ito ang inihayag ni AFP Spokesman Major General Restituto Padilla sa isinagawang Mindanao Hour sa palasyo ng Malacañang kahapon.
Ayon kay Padilla, posible ring kasama ang oposisyon sa nilulutong destabilisasyon ngunit hindi naman siya nagdetalye pa hinggil dito.
Giit ni Padilla, tanging ang Pangulo lamang aniya ang naka-a-alam hinggil sa mga impormasyon kaugnay sa tangkang destabilisasyon sa pamahalaan.