Napigilan ng Venezuela ang tangkang pagpapabagsak sa gobyerno ng mga sundalong naglunsad ng rebelyon laban kay President Nicolas Maduro.
Isa ang nasawi habang isa ang nasugatan sa pag-atake ng mga rebeldeng sundalo sa isang military barracks sa Carabobo State.
Ayon kay Venezuelan Army Chief, Gen Jesus Suarez Chourio, hindi kudeta ang inilunsad ng mga rebelde bagkus ay isang uri ng terrorist attack.
Bahagi ng military at civil action upang mapanumbalik ang constitutional order.
Pito katao naman ang inaresto na posibleng binayaran ng mga taga-oposisyon na hindi matanggap ang pagkatalo sa katatapos lamang na Constituent Assembly elections.
By Drew Nacino