Nabunyag na tinangkang ipapatay ng Pangulong Rodrigo Duterte noong mayor pa siya ng Davao City si Senador Leila de Lima.
Sa kanyang pagharap sa hearing ng Senate Committee on Justice and Human Rights, sinabi ni Edgar Matobato, nagpakilalang dating miyembro ng Davao Death Squad na nangyari ang insidente noong pinuno pa ng Commission on Human Rights si De Lima at nag iimbestiga sa Davao Death Squad o DDS.
Ayon kay Matobato, naka-ambush position na sila noon subalit hindi umabot si De Lima at ang kanyang grupo sa kanilang kinaroroonan.
Nangyari anya ang insidente noong 2009 nang puntahan nina De Lima ang Laud property kung saan nila inililibing ang mga pinapatay ng DDS.
Bahagi ng pahayag nina Senator Leila De Lima at Ginoong Edgar Matobato
By Len Aguirre