Naharang ng mga awtortidad tangkang pagpapasabog muli sa Barangay Walled City sa lalawigan ng Sulu dakong ala-6:02 kagabi, Setyembre a-19.
Batay sa ulat, nagsasagawa ng panneling ang tropa ng Joint Task Force Sulu ng Armed Forces of the Philippines katuwang ang Philippine Coast Guard Explosive Ordinance Disposal Team nang madiskubre ang isang kahina-hinalang bagahe sa Harbor Master at Maritime Police Office.
Mabilis na ipinakalat ang mga K-9 dog unit na umupo sa nasabing bahagi kaya’t maingat itong ininspeksyon kung saan, narekober ang dalawang electric blasting cap, isang rifle granade, spark plug at concrete nails.
Agad kinordonan ng mga tropa ng Army’s 35th Infantry Battalion ang lugar at rumesponde rin ang explosives and ordinance division ng Sulu Police Provincial Office at Jolo Municipal Police Station.