Kinumpirma ng Federal Police ang tangkang pagpapasabog ng Islamic State sa isang flight ng Etihad Airways sa Australia noong nakaraang buwan.
Ayon kay Australian Federal Police Deputy Commissioner Michael Phelan, dalawang lalaking kinilalang sina Khaled Khayat at Mahmoud Khayat ang kinasuhan ng dalawang bilang ng terorismo dahil sa tangkang pag-atake sa isang eroplano sa utos ng Islamic State.
Sa isinagawang imbestigasyon, nagdala ang isa sa mga suspek ng pampasabog sa Sydney Airport sa pamamagitan ng pagsilid sa bagahe.
Gayunman, maswerteng hindi naisakay sa eroplano ang bagahe matapos itong maiwan sa paliparan.
Natuklasan naman ang tangkang pagpapasabog matapos makakuha ng tip mula sa intelligence agencies.