Napigilan ang tangka umanong pambobomba ng New People’s Army sa Bataraza, Palawan.
Ito’y bunsod ng narekober na bag na naglalaman ng Improvised Explosive Devices at mga bala matapos ang engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at rebelde sa Sitio Ilyan, Barangay Malihud, kahapon.
Ayon kay Capt. Cherly Tindog, Spokesperson ng AFP-Western Command, habang binibigyang pugay nila ang dalawang nasawing marines sa Naval Forces West, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga residente na may mga namataang armadong lalaki.
Agad sinuyod ng mga miyembro ng marine battalion landing team-4 ang naturang lugar na nauwi sa halos dalawang oras na sagupaan.
Hindi pa mabatid kung may nalagas o nasugatan sa panig ng npa batay sa mga bakas ng dugo na nakita sa encounter scene.
By: Drew Nacino
Tangkang pagpapasabog ng NPA sa Palawan napigilan ng militar was last modified: July 22nd, 2017 by DWIZ 882