Napigilan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tangkang roadside bombing sa Indanan, Sulu.
Ayon kay Joint Task Group Commander Brig. General Alan Arrojado, tatlong improvised device ang itinanim ng mga suspek malapit sa abandonadong military detachment sa Indanan.
Gayunman, sinabi ni Arrojado na na-detonate naman agad ang naturang mga bomba.
Naniniwala ang militar na ang mga itinanim na bomba ay para sa puwersa ng sundalong madalas na rumoronda sa lugar.
Malaysian bomb expert
Samantala, kinukumpirma ngayon ng mga otoridad ang ulat na napatay sa operasyon ng militar sa Basilan ang Malaysian bomb expert na si Mohd Najib Bin Husen.
Si Husen ay hinihinalang miyembro ng teroristang grupo na may kaugnayan umano sa ISIS.
Ang naturang operasyon ay isinakatuparan matapos ang opensiba ng AFP laban sa Abu Sayyaf Group sa lugar.
Mayroon ding report na nasa mahigit 12 miyembro ng ASG ang nasawi sa naturang bakbakan.
By Ralph Obina