Ibinunyag ni Senador Richard Gordon ang tangkang panunuhol sa kanya upang huwag nang paharapin sa hearing ng senate blue ribbon committee ang Pamilya Rodriguez na nasasangkot sa money laundering.
Ayon kay Gordon, chairman ng komite, isang emisaryo ang nag-alok sa kanya ng P5-milyong donasyon para sa Philippine Red Cross (PRC) na kanya ring pinamumunuan.
Sinundan pa anya ito ng alok na P20-milyon.
Sinabi ni Gordon na ang tangkang panunuhol sa kanya ay isang indikasyon na mayroong itinatago ang Pamilya Rodriguez kaya’t natatakot humarap sa pagdinig ng blue ribbon committee.
Nagbabala si Gordon na ipacontempt ang Pamilya Rodriguez sakaling hindi pa sila humarap sa pagdinig ng komite sa Huwebes.
Do you know, that even bribe offers have been sent to me? May nagsasabi P5-million, may nagsasabi P20-million, ‘wag ko lang paharapin ‘yang mga ‘yan,” ani Gordon. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)