Itinanggi ni dating Bureau of Correction (BuCor) Chief Nicanor Faeldon na nagtangka syang gamitin ang P1-bilyong pondo sa ibang proyekto maliban sa tunay na pinaglaanan dito noong sya pa ang hepe ng BuCor.
Ayon kay Faeldon, sumulat naman sya sa senado kung pwedeng ilipat sa correctional facility sa Sablayan, Oriental Mindoro ang pondo na nakalaan para sa mga kulungan sa Palawan, Davao, Leyte at Zamboanga.
Ito anya matapos na ipag-utos noon ng Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat sa iba’t ibang lugar ang New Bilibid Prison at bilang bahagi na rin ng modernisasyon ng BuCor.
Wala anyang nangyaring re-alignment at hindi rin naman ito pinayagan ng mga mambabatas.
Hindi napigilan ni Faeldon na magpasaring sa mga mambabatas na anya’y galing-galingan pero hindi naman nag-aaral kaya’t lahat ng isyu pati kaldero ay pinakikialaman.
Si Faeldon ay naninirahan sa Mindoro na home province ng kanyang asawa at minsan na ring nagpahayag ng intensyon na tumakbo bilang gobernador ng lalawigan noong 2019.