Iginiit ni National Union of Peoples Lawyers (NUPL) Secretary General Rey Cortez na dalawang grupo ang kadalasang nagsasagawa ng search operations ng mga kapulisan kaya’t posibleng makalusot pa rin ang modus ng ilang pulis na pagtatanim ng ebidensya o armas sa mga operasyon nito.
Paliwanag ni Cortez, pagkatapos aniya ng isang team saka pa lamang papasok ang totoong naghahalughog at doon aniya kadalasan nagaganap ang ‘milagro’ o pagtatanim ng ebidensya.
Dagdag nito, kung hindi susuotan ng body camera ang grupo na siyang magsisiysat mismo sa lugar ng search operation hindi masusubaybayan ang modus ng ilang mga pulis.
Kasunod ito ng pahayag ng Korte Suprema na posibleng gawing mandatory ang pagsusuot ng body cam ng mga pulis sa kanilang mga operasyon.— sa panulat ni Agustina Nolasco