Ikinakasa na ng Department of Transportation and Communications o DOTC ang isasagawa nilang imbestigasyon.
May kaugnayan ito sa mga kaso ng tanim bala na bumibiktima sa mga balikbayang Pilipino sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon kay DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya, masyadong maselan ang usapin lalo’t nakataya aniya rito ang reputasyon ng paliparan maging ng bansa.
Giit ni Abaya, dapat may mapanagot kung mapatutunayang may sala ang mga isinasangkot sa umano’y sadyang paglalagay sa mga bagahe ng mga pasahero para makapangotong.
By Jaymark Dagala