Makababalik na muli sa trabaho si Ginang Gloria Ortinez bilang household worker sa Hong Kong.
Si Nanay Gloria ang OFW na hinihinalang biktima ng tanim-laglag bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa report, tumawag kay Nanay Gloria ang kanyang amo, kumain sa isang restaurant at binigyan pa ng separation pay 13 taong serbisyo.
Pumayag din ang employer ni Ortinez na kunin siyang muli kung handa na itong bumalik sa Hong Kong.
Sa una kasing pakikipag-usap sa amo, sinabihan ito na hindi siya matatanggap sa trabaho matapos masangkot sa isyu ng tanim bala.
Nabatid na maghahain ng civil at criminal case si Nanay Gloria laban sa tanim bala gang sa NAIA.
By Meann Tanbio