Ibinunyag ng isang 76 na taong gulang na preso na nakatakda sanang lumaya ngayong Disyembre ang tinawag niyang “tanim-kaso modus” ng inmates documents processing division ng Bureau of Corrections.
Ayon sa isang Francisco “don paco” Santos, na nabilanggo simula taong 1989 sa kasong illegal recruitment, lalaya na sana siya subalit napag-alaman niyang mayroon siyang apat pang nakabinbing kaso sa Manila Regional Trial Court.
Hiniling na ni Santos sa Department of Justice na magsagawa ng imbestigasyon at iginiit na ibinasura na noon pang 1996 ang kanyang dalawang bilang ng estafa at illegal recruitment cases.
Sinampahan din si Don Paco ng kasong frustrated homicide noong 1995 habang nakapiit sa New Bilibid Prison.
Samantala, itinanggi ng BUCOR Division on Document processing ang akusasyon ng nasabing bilanggo.