Pinagbabaril sa loob mismo ng kanyang tahanan ang isang barangay tanod na kasama sa Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).
Kinilala ng Quezon City PNP ang biktima na si Antonio Baguilon.
Si Baguilon ay napag-alamang kasa-kasama ng mga pulis sa Oplan Tokhang o pagkatok sa mga bahay bahay upang manghikayat ng mga drug users at pushers na magbagong buhay.
May hinala ang pulisya na posibleng may kinalaman sa kanyang pagtulong sa Oplan Tokhang ang motibo ng pagpatay kay Baguilon.
By Len Aguirre | Jill Resontoc (Patrol 7)