Nasawi ang isang tanod makaraang rumesponde sa magkapatid na nag-aaway sa Sta. Barbara, Pangasinan.
Ayon sa ulat, nagtamo ng saksak sa dibdib ang biktima na kinilalang si Manny Dela Peña, 50-anyos, at residente ng Barangay Matic-Matic.
Batay sa imbestigasyon, pauwi na sa sana si Dela Penia nang awatin niya ang lasing na suspek na si Jeffrey Gloria at kapatid nito.
Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek. — sa panulat ni Hya Ludivico.