Pinagsusumite ng Korte Suprema ng datos ang tanggapan ng Solicitor General hinggil sa bilang ng mga namatay sa mga lehitimong operasyon ng pulisya kaugnay pa rin sa war on drugs ng pamahalaan.
Ito’y makaraang kuwestyunin ni Supreme Court Asscociate Justice Antonio Carpio kung bakit tila small time lamang na mga drug pusher at adik ang tinututukan ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police o PNP sa halip na habulin ang mga malalaking drug lord.
Sa pagpapatuloy ng oral arguments na kumukuwesyon sa legalidad ng war on drugs, binigyang diin ni Carpio ang nakasaad sa PNP Memorandum Circular 16-2016 kung saan, sinasabing nagmula umano sa mga Filipino – Chinese ang bulto ng suplay ng shabu sa Pilipinas.
Pero batay sa isinumiteng ulat ng OSG sa Korte Suprema, mula sa 3,806 na naitalang napatay sa mga police operations, walang ni isa man sa mga ito ang sinasabing big fish o iyong mga mismong source ng iligal na droga na ipinakakalat sa kalye.
Depensa ni Solicitor General Jose Calida, nanlaban sa mga awtoridad ang karamihan sa mga napapatay na drug pushers at users dahil wala na ang mga ito sa tamang katinuan.
Pero nang tanungin ni Associate Justice Presbitero Velasco kung sapat ba ang dahilan ni Calida para patayin ang mga drug suspects…sagot ng SolGen, posible.
—-