Maagang idineploy ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang kanilang mga kawani upang mag mando ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.
Sinabi ni HPG Spokesman Superintendent Oliver Tanseco, kanilang iniikot ang kanilang puwersa, batay sa mga lugar kung saan nagsisimulang magsikip ang daloy ng trapiko.
Naniniwala din si Tanseco na ang kailangan lamang muling pairalin ang mabuting ugali at mareresolba ang problema sa EDSA.
“Naniniwala po ako ‘yung disiplina nasa kanila kaya lamang po syempre nagpapakiramdaman, sabi nga po naming konting pasensya pa po at masasanay din po sa amin ‘yan, hindi po kami aalis sa EDSA, hindi poi to paumpisa lang, ime-maintain po natin ito hangga’t hindi natin naibabalik ang disiplina at tayo po ay may maganda at mas maluwag na trapiko sa EDSA, sabi nga naming, ibalik lang natin ang ating disiplina at bigayan po tayo ng kurtesiya sa EDSA at makakaluwag po talaga tayo.” Ani Tanseco.
Anti-kotong
Tiniyak din ni Tanseco na naglatag sila ng mga panuntunan upang matiyak na walang mangongotong o kaya ay magpapakotong na kawani ng HPG.
Sinabi ni Tanseco na kabilang dito ang pagpapatupad ng 30-second apprehension, kung saan hindi na maaaring makipag-negosasyon ang motorista sa huhuli sa kanya.
Pinaalalahanan din ni Tanseco ang publiko na parehas na kasalanan ang pagbibigay ng suhol, at ang pagtanggap ng suhol.
“30-second apprehension rule, ibig sabihin 30 seconds lang wala na pong discussion, wala nang usapan, second po meron po tayong itinalagang supervisor, senior superintendent po ang ranggo, meron po tayong rotation niyan, ibig sabihin pagkapili namin kailangang palitan, iikot po ‘yan, makikisuyo po kami sa mga tao na kapag pinilit po kayo ay kunan niyo ng video at pag may reklamo po kayo hindi po kami magto-tolerate ng mga personnel namin na magva-violate po niyan.” Paliwanag ni Tanseco.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit