Yumao na si Sister Fidelis Atienza o mas kilala bilang ube jam creator ng tanyag na good sheperd sa edad na 102 taong gulang.
Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), binawian si sister atienza nitong Sabado, 20 ng Marso sa Religious of the Good Sheperd community sa Quezon City.
Bago nabuo ni Sister Atienza ang sikat na ngayo’y ube jam, noong 1960’s nang umpisahan nito ang paggawa ng mga merienda gaya ng ‘angel cookies’ at paglulunsad ng marian bekery.
At noong 1976, nang maibento ni Sister Atienza ang tanyag na ube jam.
Mababatid na nakatulong ang produktong ube jam ng good sheperd sa libu-libong mga out of school youth sa iba’t-ibang dako ng bansa.
Samantala, magiging pribado naman ang funeral services kay Sister Atienza sa Good Sheperd Convent sa Quezon City.