Itinanggi ng Malakanyang na pantapat sa di umano’y destabilization plan laban sa administrasyon ang binuong ‘Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines’ ni Davao City Mayor Sara Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi ito pagpapakita lamang ng puwersa at lalong hindi bahagi ng preparasyon sa 2019 Elections.
Sa halip, layon nito aniya na mapag-tipon-tipon ang mamamayan upang makilahok sa paghubog sa ating bansa.
Una nang sinabi ni Mayor Sara Duterte na layunin nila na mapaghilom ang mga sugat na gawa ng pagkakahati-hati ng mga Pilipino noong eleksyon.
Kabilang sa mga dumalo sa paglulunsad ng ‘Tapang at Malasakit Alliance’ sina Department of Foreign Affairs o DFA Secretary Alan Peter Cayetano at asawang si Taguig Mayor Lan Cayetano; Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Manila Mayor Joseph Estrada at dating Metro Manila Development Authority o MMDA Chairman Francis Tolentino.