Pinapurihan ng Manila International Airport Authority (MIAA), si Elena Abreo, ang tapat na janitress, na nagsauli ng bag na naglalaman ng halos P100,000 halaga ng mga gamit.
Nitong weekend ay nakita ni Abreo ang naiwang bag sa isang cart, at matapos ang 15 minuto ay kanya itong tiningnan at ipinatawag sa pamamagitan ng public address system, si Samuel Aquino, ang may-ari ng bag, ayon sa nakitang ID sa loob.
Nang suriin ni Aquino ang bag, nakita sa loob nito ang mga bagong gamit na kanyang naipundar mula sa pagtatrabaho sa kingdom of Saudi Arabia.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)