Maghaharap na bukas ang Boston Celtics at Cleveland Cavaliers sa pagsisimula ng Eastern Conference Finals ng NBA.
Haharapin ng Celtics ang Cavs nang wala ang kanilang point guard na si Kyrie Irving na sumailalim sa surgery sa tuhod.
Dahil dito, sasandal muna ang Celtics kay Al Horford at sa mga batang manlalaro nito na sina Terry Rozier, Marcus Smart, Jaylen Brown at Jayson Tatum.
Simula 2010, hindi pa nakakatapak ang Celtics sa NBA finals.
Sa panig naman ng Cavs, nakaabang na si Lebron James para maging ika-6 na NBA player sa kasaysayan na makakatungtong sa NBA finals sa walong magkakasuno na beses.
Gaganapin ang Best-of-Seven Eastern Confernce finals sa Boston, USA.
Samantala, sa Martes naman maghaharap sa Western Conference Finals ang Golden State Warriors at Houston Rockets sa Toyota Center sa Houston, Texas.