Epektibo na ngayong araw ang bawas-singil sa presyo ng kada litro ng produktong petrolyo.
Ayon sa kumpaniyang Caltex, Cleanfuel, JETTI Petroleum, Petro Gazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell, nasa P2.60 centavos ang magiging tapyas presyo sa kada litro ng gasoline habang aabot naman sa P1.60 centavos ang magiging bawas sa kada litro ng diesel at kerosene.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang paggalaw sa presyo ng langis ay dahil sa pagbagsak ng presyo nito sa International market habang sinusubukan naring ayusin ng China ang problema hinggil sa kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Sa pagsisimula ng taon, ang kabuuang halaga ng gasolina sa bansa ay pumalo na sa P29.50 centavos kada litro; P45 sa kada litro ng diesel; habang P39.25 centavos naman sa kada litro ng kerosene.