Good news para sa mga motorista…may nakaambang bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis epektibo bukas, Marso 13.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, tinatayang maglalaro mula piso at sampung sentimos (P1.10) hanggang piso at dalawampung sentimos (P1.20) ang rollback sa kada litro ng kerosene.
Maglalaro naman mula P0.50 hanggang P0.60 ang inaasahang tapyas presyo sa kada litro ng diesel habang nasa P0.40 hanggang P0.50 naman ang posibleng rollback sa kada litro ng gasoline.
Ito ang kauna-unahang rollback sa presyo ng langis ngayong buwan matapos ang tatlong sunud-sunod na linggong itinataas ang presyo nito bunsod na rin ng paggalaw ng presyo ng oil products sa world market.
—-