Pinagpapaliwanag ng Department of Energy (DOE) ang mga kumpanya ng langis hinggil sa kanilang ipinatupad na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo nitong linggo.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, sa kanilang pagtaya dapat mas malaki pa ang dapat naging tapyas sa presyo ng mga oil companies.
Aniya, malaki ang agwat sa resulta ng pagkuwenta ng DOE sa dapat naging kaltas sa presyo ng mga oil products kumpara sa computation at ipinatupad na rollback ng mga kumpanyang ng langis.
Dagdag ni Cusi, 13 kumpanya ng langis ang kanilang pinadalhan ng show cause order noong Martes October 1 at kinakailangan pakapagpadala na sila ng paliwag sa Lunes October 7.
Sinabi naman ni Energy Assistant Secretary Leonido Pulido, inihahanda na nila ang kasong administratibo at kriminal na posibleng isampa laban sa mga kumpanya ng langis na mapatutunayang nagkaroon ng hindi makatwirang oil price rollback.