Asahan na bukas, Martes ang tapyas-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, magkakaroon ng bawas singil sa kada litro ng diesel at gasolina sa Mayo 17.
Inanunsiyo kumpaniyang Unioil Philippines na maglalaro sa P2.90 centavos hanggang tatlong piso ang bawas singil sa presyo ng kada litro ng diesel.
Aabot naman sa P0.40 centavos hanggang P0.60 centavos ang magiging bawas singil sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Matatandaang nito lamang nakaraang linggo ay nagkaroon ng taas singil sa presyo ng langis ang ilang mga kumpanya.
Dahil dito, nagkaroon ng adjustment ang presyo ng gasolina na may P22 kada litro, ang diesel ay nasa P34.50 centavos kada litro at ang kerosene ay P29.75 centavos kada litro bunsod ng mataas na halaga ng petroleum products dulot ng pag-iral ng COVID-19 lockdowns sa China na top oil exporter at patuloy na bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.