Good news para sa mga motorista dahil asahan na bukas ang tapyas presyo sa produkto ng langis.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, posibleng magkaroon ng umento na P.10 centavos o P.20 centavos na tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Maglalaro naman sa P.90 centavos hanggang P1.00 at P.20 centavos ang magiging bawas-singil sa presyo ng kada litro ng diesel; habang P.20 centavos hanggang P.50 centavos naman ang posibleng maging bawas sa kada litro ng kerosene.
Sa pahayag ng Department of Energy (DOE), posibleng magtuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng petrolyo hanggang sa mga susunod na buwan.