Ipatutupad na bukas ang tapyas-presyo sa produktong petrolyo matapos ang dalawang linggo dagdag-singil sa presyo ng langis.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, posibleng bumaba sa 80 centavos hanggang 1 peso at 10 centavos ang magiging bawas-presyo sa kada litro ng diesel.
Nasa 10 centavos hanggang 40 centavos naman ang posibleng ibaba sa kada litro ng gasolina.
Ayon sa Department of Energy (DOE), nitong lamang October 18 hanggang 20, pumalo na sa 62 pesos at 5 centavos hanggang 73 pesos at 5 centavos ang presyo sa kada litro ng gasolina; 77 pesos at 50 centavos hanggang 83 pesos at 80 centavos naman ang presyo sa kada litro ng diesel; habang pumalo naman sa 80 pesos at 15 centavos hanggang 89 pesos at 40 centavos ang kada litro ng kerosene.