Asahan bukas ang panibagong rollback sa mga produktong petrolyo.
Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Inc., magpapatupad sila ng P0.45 na tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina at diesel, habang P0.85 naman sa kerosene.
Ipatutupad din ng Cleanfuel ang kaparehong bawas-presyo maliban sa kerosene.
Sa datos ng Department of Energy, ang year-to-date adjustments ay may net increase na P14.85 sa kada litro ng gasolina, P29.40 sa kada litro ng diesel, at P24.10 sa kada litro ng kerosene.