Good news para sa mga motorista!
Ipatutupad bukas ng ilang kumpaniya ng langis ang panibagong tapyas-presyo sa produktong petrolyo.
Ayon sa ilang oil company, maglalaro sa P2.40 hanggang P2.70 ang magiging bawas-singil sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.
Aabot naman sa P.30 hanggang P.60 ang posibleng maging tapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Sa pahayag ng Department of Energy (DOE), sa unang apat na araw ng kalakalan sa pagitan ng mga bansang pinagkukuhanan ng langis, bumaba ng mahigit P2.00 ang presyo sa kada litro ng diesel at kerosene habang P.50 naman ang ibinaba sa presyo ng kada litro ng gasolina ngayong taon.