Magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis epektibo simula bukas, Setyembre a-6.
Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. and Seaoil Philippines Inc., magkakaroon ng tapyas-presyo na P2.60 sa kada litro ng gasolina, P1.55 sa diesel at P1.60 naman sa kerosene.
Ipatutupad din ng Cleanfuel ang kaparehong price adjustment maliban sa kerosene.
Epektibo ang bawas-presyo sa produktong petrolyo simula ala-6 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng alas-12:01 ng hatinggabi.
Batay sa datos ng Department of Energy, ang year-to-date adjustments ay pumalo na sa kabuuang net increase na P19.55 sa kada litro ng gasolina; P37.80 sa kada litro para sa diesel, P33.20 sa kada litro ng kerosene hanggang nitong August 30, 2022.