Posibleng magkaroon muli ng rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy assistant Director Rodela Romero, inaasahang rollback ang nasa .81 centavos kada litro ng diesel habang .84 centavos naman ang bawas ng presyo ng gasolina.
Samantala, P1.10 centavos ang bawas sa presyo kada litro ng kerosene.
Gayunman, kung hindi lang sana umano sumadsad ang halaga ng piso kontra dolyar malaki ang inaasahang bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo. —sa panulat ni Jenn Patrolla