Good news para sa mga motorista.
Asahan na naman ang tapyas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), posibleng magbawas ng mahigit isang piso kada litro ang mga kumpanya sa diesel at kerosene, habang mababa sa isang piso kada litro sa gasolina.
Ito na ang pangalawang sunod na linggong tapyas-presyo sa produktong petrolyo, matapos ang malakihang rollback noong pagtatapos ng agosto.
Ang isinagawang tapyas presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan sa mga merkado.