Makaraan ang dalawang magkasunod na oil price hike, asahan na ang bawas presyo sa produktong petrolyo sa Martes, Hulyo 18.
Ayon sa ilang source mula sa sektor ng oil industry, aabot sa P0.60 ang itatapyas sa bawat litro ng diesel, P0.25 sa kada litro ng gasolina at P0.60 naman per liter sa kerosene.
Ang naturang oil price rollback ay bunsod ng pagbagsak ng presyo ng krudo sa world market.
- Meann Tanbio