Inilarga na ng SM City Sta. Mesa ang “Festive feels” nito ngayong holidays.
Tampok sa pagdiriwang para sa itinuturing na best time of the year ang Holly Retro Holidays Christmas Display sa SM City Sta Mesa na napapalamutian ng masisiglang kulay sa activity area sa 4th level ng isa sa 80 SM Supermalls.
Huwag palampasin ang pagkakataong makapag selfie at it’s best ika nga sa Christmas Centerpiece lalo na ng mga shoppers mula sa Quezon City, San Juan at Manila.
Kakaibang experience ang mararanasan habang nagsa shopping sa SM City Sta. Mesa dahil sa masasayang awiting pamasko kasabay nang indayog ng magagaling na ballerina at marching band.
Ang Christmas Launch sa bahaging ito ng SM City Sta.Mesa ay pinangunahan ng mga lokal na opisyal ng Quezon City kasama ang mall manager na si Von Aaron Tan at assistant mall manager na si Claire Sue.
Binigyang diin ni Tan na dahil na miss nila ang kanilang shoppers sa nakalipas na 2 ; Hindi sila magdadalawang isip na ibigay ang “The best magical experience” sa mga shoppers sa SM City Sta. Mesa at iba pang SM Supermalls sa pamamagitan nang pagbuhay sa happiness stations at serye ng kakaibang christmas activities ngayong taon tulad ng sale events at christmas markets, feasts at parties kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Kaya naman , dapat mauna ka nang sumugod sa SM City Sta. Mesa to enjoy all these things .
Pero tiyaking naka follow ka sa social media accounts ng SM City sta mesa tulad ng facebook, twitter, instagram at tiktok para sa updated ka sa kanilang mga promo at mga ganap ngayong holiday season.
So saan ka pa? Wala ka nang hahanapin pa dahil sa SM Supermalls , We’ve got it all for you!