Ginugunita sa buong mundo ngayon, ika-10 ng Oktubre, ang World Mental Health Day.
Ayon sa World Health Organization, sa bawat 40 segundo, mayroong isang namamatay dahil sa pagkitil sa sarili nitong buhay.
Kaya naman tema ng World Mental Health Day ngayong taong 2019 ang ‘Focus on Suicide Prevention’ o pagbibigay-pansin upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng mga nagsu-suicide.
Samantala, layon naman ng taunang World Mental Health Day ang magbigay-kaalaman at imulat ang publiko kaugnay sa iba’t ibang mental health issues.