Bigo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na maabot ang target na koleksyon ng buwis para sa unang quarter ng 2022.
Ayon sa Department of Finance (DOF), P485.4-B lamang ang nakolekta ng BIR kumpara sa target na P532.6-B na itinakda ng Development Budget Coordination Committee.
Depensa naman ni BIR deputy commissioner Arnel Guballa, ang kabiguan ay resulta nang paggamit ng mga negosyo ng kanilang input value-added tax credits sa purchases na available para sa kanila sa ilalim ng Section 35 ng Train Law.
Noong 2021, aabot sa P2.86-T ang nakolekta ng BIR kumpara sa P1.9-T na nakolekta noong 2020.