Ipinagmalaki ng National Telecommunications Commission (NTC) na lumagpas pa sa taget ang halagang kanilang nakulekta sa ika-5 sunod na taon nitong 2020.
Ayon sa NTC, 7.711 Billion pesos ang kanilang nakolekta na lagpas sa 5.025 Billion pesos na kanilang target collection sa nasabing taon.
Habang umabot naman sa P2.68 billion o 53.44 percent ng kanilang target collection ang kanilang nakolekta sa buwan lamang ng Disyembre.
Nagpasalamat naman si NTC Commissioner Gamaliel A. Cordoba na mataas ang actual collection ng ahensya sa kabila ng mga ipinatupad na restrictions sa nagdaang mga buwan dahil sa COVID-19 pandemic.
“I am grateful to everyone in the NTC for the achievement. Our DICT family, headed by Secretary Gregorio B. Honasan II, is also part of this achievement as they have supported all our efforts,” ayon kay Cordoba.
Kinilala din ni Cordoba ang pagsisikap ng kanilang mga tauhan na istriktong matiyak ang pagtugon ng stakeholders sa pagre-remit ng spectrum users’ fees, at pagpapataw ng regulation fees at penalties.
Ang NTC ang ahensya ng gobyerno na nagre-regulate sa cable at commercial television operators, broadcast radio stations, telecommunications companies at commercial and portable radio operators.
Ang collection targets ng mga ahensya ng gobyerno ay salig sa Budget of Expenditures and Sources of Financing na required sa ilalim ng Saligang Batas.