Nilinaw ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na wala silang ipapataw na bagong buwis sa mamamayan.
Ito ay kasunod ng mga ulat na sa halip na bawasan ay dadagdagan pa ang buwis na sisingilin sa publiko.
Ipinaliwanag ni Henares na lumutang lamang ang isyu matapos ipanukala ang pagbabawas ng sinisingil na Income Tax Return.
“May mga nagpapanukala na meron silang ibababang mga buwis, may ibababa po tayo pero kailangan maghanap sila kung saan sila kukuha ng ibang malilikom na pera, ang posisyon po ay status quo, walang ibababa, walang itataas at walang idadagdag.” Ani Henares.
Target collection
Samantala, tiniyak ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na kanilang sinisikap na maabot ang kanilang target collection para sa 2015.
Ayon kay Henares mahirap itong abutin subalit kailangan nilang subukan lalo na at mayroon pang mga nalalabing buwan.
Sa kabila nito, sinabi din ni Henares na nakakakolekta naman sila ng sapat na halaga na kailangan para sa pambansang budget.
“Ang goal na ibinibigay sa amin hindi naman ‘yan realistic kasi sabi rin ng DOF, hindi naman inaasahan na maaabot natin kasi mataas talaga po kasi goal ‘yan kailangan subukan namin, pagtrabahuhan namin nanag maabot natin.” Pahayag ni Henares.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit