Nalampasa na ng Department of Education (DEPED) ang kanilang target na 28.6 million na enrollees para sa school year 2022-2023.
Ito ay matapos na pumalo sa kabuuang 28,797,660 ang bilang ng mga naka-enroll nang estudyante.
Mababatid na nagsimula ang enrollment period noong Hulyo a-25 at natapos kahapon o sa unang araw ng klase.
Samantala, sinabi naman ni DEPED Spokesperson Michael Poa na bunsod nito ay naiulat din ng ahensya ang kakulangan sa mga silid-aralan na aabot sa halos 40,000 sa buong bansa.