Naabot na kahapon ng Bulacan ang target na herd immunity ng kanilang lalawigan laban sa COVID-19.
Ito ay matapos mabakunahan ang mahigit 2.2M sa 3.7M na residente sa nasabing lugar.
Ayon kay Bulacan COVID-19 Task Force Vice-Chair Dra. Hjordis Marushka Celis, may kabuuan na 2,281,195 na ang fully vaccinated, sa lalawigan, habang 2,418,385 naman ang nakatanggap na ng unang dose at 541,091 ang naturukan na ng kanilang booster shot.
Samantala, bumaba na lamang sa 62 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Bulacan. – sa panilat ni Mara Valle