Target ng Saudi Arabia na kumuha ng isang milyong Filipino skilled workers partikular sa hospitality, construction, at information and technology sectors.
Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, nagkaroon ng diskusyon sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia kaugnay sa pagkakaroon ng ‘special hiring program’ upang matugunan ang labor needs sa Gulf state.
Binigyang diin ng kalihim na dapat balansehin ng Saudi Arabia ang kanilang panawagang mag-hire ng mas maraming Pinoy wokers sa hiring demand ng mga kumpanya sa naturang bansa.
Nakatakda namang magpadala ang Saudi ng technical team sa Pilipinas sa Hunyo upang talakayin ang nasabing programa.
Maliban sa Saudi Arabia, nakikipag-ugnayan na rin ang pamahalaan sa iba pang mga bansa gaya ng United Arab Emirates, Austria, Guam, Portugal, Hungary, Czech Republic, at Canada para sa job opportunities sa mga Pilipino.