Inaasahang mabibigo na ang gobyerno na maabot ang target na 20 million metric tons na rice production, ngayong taon bunsod ng tumitinding epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Emerson Palad, malaki ang pangangailangan sa water supply ng mga palayan kaya’t isa sa kanilang nakikitang solusyon ay cloud seeding.
Bukod sa cloud seeding, naghahanda na rin ang National Food Authority (NFA) sa pag-aangkat ng karagdagang 250,000 metrikong tonelada ng bigas sa unang quarter ng 2016.
Tinatayang apat hanggang limang libong litro aniya ng tubig ang kailangan upang makapag-produce ng isang kilo ng palay.
Simula noong Setyembre 1, bumaba na sa 186 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam, sa Bulacan na hindi na sapat para sa mga irigasyon.
***
Samantala, pinayuhan ng Department of Agriculture (DA) ang magsasaka na mag-produce na lamang ng ibang pananim sa halip na palay.
Ito’y bilang paghahanda sa inaasahang mas matinding epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Edilberto de Luna, kabilang sa mga dapat itanim ng mga magsasaka sa ngayon ay munggo at mais.
Tiniyak naman ni Luna na nakatutok ang kagawaran sa sitwasyon at handang magbigay ayuda sa mga apektadong magsasaka.
By Drew Nacino