Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na hindi pa naaabot ng Pilipinas ang 54M na fully vaccinated individuals kung saan, nasa halos 10M indibidwal pa ang kakailanganin na mabakunahan.
Sa datos ng National Vaccination Dashboard, nasa 44, 212, 255 na ang kabuuang bilang ng mga fully vaccinated matapos ikasa ang COVID-19 vaccination program na “Bayanihan, Bakunahan” ng pamahalaan na sinimulan noon pang Marso.
Matatandaang sinabi ng Department of Health na plano nilang gamitin ang single-shot na Janssen COVID-19 vaccine upang mabilis na maaabot ang target na 54M.
Sa ngayon, iniutos na ng DOH sa kanilang mga opisyal na tukuyin kung sino pang indibidwal ang hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccine. —sa panulat ni Angelica Doctolero