Hindi pa naaabot ng Commission on Elections ang target na bilang ng mga bagong nagparehistro para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, humigit-kumulang 400,000 pa palamang ang nagpaparehistrong Pilipino, malayo sa inaasahan nilang 1.5 hanggang 3 million new registrants mula December 12 hanggang huling araw ng Enero.
Nanindigan din ang ahensya na hanggang sa January 31, 2023 na lamang pagpapatala.
Dahil dito, muling hinimok ni garcia ang publiko na bisitahin ang local na tanggapan ng ahensya, satellite registration sites sa malls para magparehistro sa naturang BSKE.