Naabot na ng Department of Education (DepEd) ang target na bilang ng enrolees halos isang buwan bago ang pagbubukas ng klase sa August 24.
Ayon sa DepEd pumalo na sa mahigit 22.3-million ang mga estudyanteng nagpapatala sa mga pampubliko at pribadong paaralan at ito ay 80 porsyento ng enrollment turn out ng halos 28-million students nuong 2019.
Sinabi ng dep ed na kung hihimayin nasa 20.8-million ang mga estudyanteng nag enrol sa public schools at nasa 1.3-million naman ang nakapag parehistro sa private schools.
Una nang inihayag ng DepEd na uubra pang tumanggap ng late enrolees hanggang Setyembre basta’t pasok pa sa 80% prescribed number ng school days.