Mas mababa ang itinakdang target na bilang ng gobyerno para sa ikapaat na bayanihan bakunahan.
Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje dahil marami na ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Dagdag pa niya, mahirap na sa ngayong ma-track ang mga unvaccinated individuals.
Una nang sinabi ng DOH at NVOC na target lamang nito na magbigay ng isa punto limang milyong bakuna sa naturang vaccination drive na itinakda mula Marso a-dyis hanggang a-dose na mas mababa kaysa sa target noong Disyembre na siyam na milyon at limang milyong target noong Pebrero. – sa panulat ni Airiam Sancho