Bigo ang pamahalaan na makamit ang target na 6.5 hanggang 6.9 percent na Gross Domestic Product (GDP) para sa taong 2018.
Ito ay matapos maitala lamang ang 6.2 percent na GDP growth noong nakaraang taon.
Inamin ni Socio-economic Planning Secretary Ernesto Pernia na malaking balakid ang inflation sa economic growth.
Magugunitang naitala ang 10-year high na inflation o pagsipa ng presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo noong nakaraang taon.
Ito ay matapos ipatupad ang mas mataas na buwis na bahagi ng TRAIN Law ng pamahalaan.
Tiwala naman si Pernia na ngayong taong 2019 ay kayang makabawi ng ekonomiya ng bansa.
—-