Kumpiyansa ang Department of Budget and Management (DBM) na makakamit ang target budget spending sa infrastructure programs ngayong taon.
Ito, ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ay sa kabila ng pagbagal ng budget spending dahil sa National Elections noong Mayo.
Batay sa datos hanggang nitong Setyembre ng kasalukuyang taon, tumaas ng 13.4% o P728-B ang kabuuang budget spending sa infrastructure projects.
Kumpara sa P641.5-B sa kaparehong panahon noong isang taon.
Gayunman, kapos ng 4% o malayo sa target ng pamahalaan na P758.9-B. —sa panulat ni Jenn Patrolla