Pinuna ni Epidemiologist at Health Advocate Carlo Lorenzo ang target ng pamahalaan na gawing prayoridad sa COVID-19 testing ang mga vulnerable sectors habang inaayos pa ng mga opisyal ang Isolation at Testing protocols sa kabila ng tumataas na bilang ng mga tinatamaan ng virus.
Ayon kay Lorenzo, hindi makatwiran ang naging desisyon ng gobyerno dahil inuuna ng Department of Health (DOH) ang nasabing grupo na mabakunahan at ngayon ay muling ipaprayoridad sa COVID-19 testing.
Sinabi ni Lorenzo na dapat ay iprayoridad din ang iba pang nasa category lalo na ang mga hindi umano naaabot sa pagbabakuna dahil posible din silang mahawahan ng COVID-19.
Dagdag pa ni Lorenzo na masyadong maaga ang ginawang implementasyon ng DOH sa bagong Isolation at Testing protocols kung saan, ang makakaranas ng mild COVID-19 symptoms ay isasailalim sa 7-days quarantine habang ang mga hindi naman bakunado na makakaranas ng mild COVID-19 symptoms ay isasailalim naman sa 10-days quarantine.
Ang mga moderate at severe cases naman ay kailangang ihiwalay sa loob ng 10 hanggang 21 araw. —sa panulat ni Angelica Doctolero